This site uses cookies.
Some of these cookies are essential to the operation of the site,
while others help to improve your experience by providing insights into how the site is being used.
For more information, please see the ProZ.com privacy policy.
Freelance translator and/or interpreter, Verified site user
Data security
This person has a SecurePRO™ card. Because this person is not a ProZ.com Plus subscriber, to view his or her SecurePRO™ card you must be a ProZ.com Business member or Plus subscriber.
PayPal, Wire transfer, Money order, Visa, MasterCard, Discover, American Express
Portfolio
Sample translations submitted: 2
English to Tagalog: English to Tagalog Translation of a Short Story General field: Art/Literary Detailed field: Poetry & Literature
Source text - English Jordan and Xavier were two brothers who lived with their parents in a huge apartment building in the big city. They should have been happy, but instead they were very sad. Something was wrong. Things were not right.
Mom and dad were talking in the kitchen. They were speaking in whispers so that Jordan and Xavier could not hear. The brothers knew that any time mom and dad spoke in whispers, something was not right.
Dad would not be getting up early and going to work the next day, or any other day. Mom explained that dad had lost his job so they would not have money to buy toys and candy until dad found another job. They would need all of their money to buy food and pay the bills.
That night, Jordan comes up with a plan to help mom and dad with money. He tells Xavier that since it is summer and the weather is so hot, they can start a lemonade stand and sell cold lemonade to people on the street.
“Who would buy our lemonade?” Xavier asks. Jordan said “the workers paving the streets, the policeman directing traffic on the corner, the people walking their dogs and jogging in the park across the street. They would all buy our cold lemonade.”
Xavier liked the idea of starting a business with Jordan. “Don’t we need money to start a lemonade stand?” He asked. “We can use the money from our piggy bank,” Jordan said. So the boys broke open the piggy bank and money spilled out all over the bed. Quarters, dimes, nickels, pennies, and even a ten dollar bill, and some one dollar bills.
“How much do we have?” Xavier asked as Jordan counted all of the money. He was much better at counting than Xavier. “We have twenty-five dollars and thirty-seven cents,” Jordan said. “Let’s go tell mom and dad our plan.”
The boys ran to mom and dad’s bedroom and explained their plan for building a lemonade stand and selling cold lemonade to help the family with money until dad found another job. Mom loved the idea. She said that they could use grandmother’s lemonade recipe. Dad said that he would help build the stand in front of the building.
The next day the boys were excited to start building the lemonade stand. Jordan went with mom to the store to buy the ingredients for grandmother’s lemonade while Xavier stayed behind and helped dad build the stand with some old pallets dad had collected from the grocery store.
That afternoon the boys found the perfect spot, right in front of their building. They set up the lemonade stand and hung a sign that read, “Ice Cold Lemonade 25 Cents.” It was a very hot day and they were sure people would be happy to buy a cold lemonade.
Jordan and Xavier waited and waited and waited, but no one was coming to their lemonade stand. They could not understand why no one wanted cold lemonade on such a hot afternoon. They waited all afternoon until almost supper time, but they did not sell even one glass of lemonade.
They had started closing the stand when a man in a grey suit and red tie walked by. He asked if the lemonade was still cold. “Yes it is,” Jordan said. He handed the man a cold glass of lemonade and the man handed him a quarter and he drank the lemonade in one big gulp.
“I bet you have sold a lot of cold lemonade on this hot afternoon?” The man said. Jordan frowned. “You are the first one to buy a glass,” he said. He explained that they had been waiting all afternoon and no one even walked by their stand.
“Well that does not make sense, “the man said. “It has been pretty hot today and I have not seen another lemonade stand in this neighborhood. Tell me something, did you boys market your lemonade stand?”
Jordan and Xavier stared at each other with puzzled looks. They did not know what the man meant. They just wanted to sell some lemonade to help mom and dad with bills. What did the man mean by market the lemonade stand?
“My name is Don,” the man said. “I am a business man myself. If you want to have a successful business, you need to let people know about your lemonade stand. You have to tell them where you are.” Don bought another glass of lemonade, smiled at the boys and then he climbed into the back of a big black limousine and drove away.
That gave Jordan a brilliant idea. He knew exactly what they had to do to sell a lot of lemonade. They would have to do what Don said and let people know about their lemonade stand. They would ask mom and dad and a few of their friends to help them spread the word.
The next day Jordan, Xavier, mom, dad, and a few of their friends made posters that read “Come and get some ice cold lemonade only 25 cents. They put posters on light poles, mail boxes, cars windows, and they even stopped by the fire department and police station. They were now ready to sell some lemonade.
That afternoon when people came out of their houses and offices, they found the posters on their mailboxes and car windows and people walking on the sidewalks saw the posters on the light poles. It was so hot and they were so thirsty that they hurried to Jordan and Xavier’s lemonade stand to buy a cold glass of lemonade.
They boys were selling lemonade so fast that their mom had to make 10 more gallons that afternoon. People really loved the boy’s special lemonade. Some even asked the boys if they would be selling more lemonade the next day.
That night, Jordan and Xavier counted their money. They had made $75 dollars in one afternoon. Mom said that she would make even more lemonade the next day so that they would not run out so quickly.
The next day Jordan and Xavier sold more Lemonade than the day before. People were coming from all over the city to buy the delicious lemonade they had heard about. The fire chief told the boys that they should think about building a lemonade stand close to station seven so those firemen could enjoy their lemonade as well.
By the end of the month the boys had built ten lemonade stands all across the city and hired their friends to run them. Mom and dad were so proud of the boys for working so hard to help the family pay bills. The best part was that dad had found another job and the family would be making money once again.
At the end of the summer there was a big celebration at city hall to honor Jordan and Xavier for their success. Their delicious lemonade was the talk of the city. The mayor even gave the boys the key to the city. Everyone clapped and cheered for the two young boys that had built their own lemonade empire.
After the celebration was over, Don congratulated the boys for being such brilliant business men. He told them that they had learned a very valuable lesson that you can be successful at anything you want if you work hard and believe in yourself.
Translation - Tagalog Sina Jordan at Xavier ay dalawang kapatid na lalaki na nakatira kasama ng kanilang mga magulang sa isang malaking gusaling paupahan sa isang malaking lungsod. Dapat sana ay masaya sila, ngunit sa halip ang mga ito ay napakalungkot. Mayroong mali. Hindi tama ang mga ito.
Nag-uusap sina nanay at tatay sa kusina. Nagbubulungan sila upang hindi sila marinig nina Jordan at Xavier. Alam ng magkapatid na tuwing nag-uusap ng pabulong sina nanay at tatay ay mayroong hindi tama.
Hindi na bumangon ng maaga si tatay para magtrabaho kinabukasan at sa mga sumunod pa na mga araw. Ipinaliwanag ni nanay na nawalan ng trabaho ang kanilang ama kaya wala na silang perang pambili ng mga laruan at kendi hanggang sa makahanap ng ibang trabaho ang kanilang ama. Kakailanganin nila ang kanilang natitirang pera sa pambili ng pagkain at pambayad ng mga bayarin.
Kinagabihan, nakaisip si Jordan ng isang plano upang matulungan ang kanilang ama't ina sa kanilang problemang pinansyal. Sinabihan niya si Xavier na tutal tag-init naman at mainit ang lagay ng panahon, maaari silang mag-negosyo at magbenta ng malamig na limonada sa mga tao sa lansangan.
"Sino naman ang bibili ng ating limonada?", tanong ni Xavier. "Ang mga manggagawa sa kalye, ang mga pulis na nagtatrapik, ang mga taong naglalakad ng kanilang mga aso at tumatakbo sa parke sa tapat. Silang lahat ay maaaring bumili ng ating malamig na limonada", sagot ni Jordan.
Nagustuhan ni Xavier ang ideya ng pagsisimula ng isang negosyo kasama si Jordan. "Hindi ba natin kailangan ng pera upang simulan ang maliit na tindahan ng limonada?", tanong niya. "Maaari nating gamitin ang mga naipon natin sa alikansya", sagot ni Jordan. Kaya naman binasag nila ang kanilang alikansya at sumambulat sa kama ang mga pera. Dalawampu’t limang sentimos, sampung sentimos, limang sentimos, sampung dolyar at mangilan-ngilang isang dolyar.
"Magkano ang mayroon tayo?", tanong ni Xavier habang binibilang ni Jordan ang mga pera. Mas magaling magbilang si Jordan kaysa kay Xavier. "Mayroon tayong dalawampu't limang dolyar at tatlumpu't pitong sentimo", sagot ni Jordan. "Halika, sabihin natin kina nanay at tatay ang ating plano."
Nagtungo ang magkapatid sa silid ng kanilang mga magulang at ipinaliwanag ang kanilang planong pagtatayo ng tindahan ng limonada at pagbebenta ng malamig na limonada upang makatulong sa pamilya hanggang makahanap ng trabaho ang ama. Nagustuhan ni nanay ang kanilang ideya. Sinabi niya na maaari nilang gamitin ang resipe ng kanilang lola sa paggawa ng limonada. Si tatay naman ay tutulong sa pagbuo ng maliit na tindahan sa tapat ng kanilang paupahang gusali.
Kinabukasan, ang magkapatid ay nasasabik na simulan ang pagbuo ng tindahan ng limonada. Sinamahan ni Jordan si nanay sa tindahan upang bumili ng mga sangkap para sa resipe ng limonada ni lola, habang si Xavier naman ay nagpaiwan at tumulong kay tatay sa pagbuo ng tindahan gamit ang mga lumang papag na nakolekta ng kanyang ama mula sa pamilihan.
Nang hapon ding yaon, nakakita ang magkapatid ng perpektong lugar para sa kanilang tindahan, sa harap mismo ng kanilang paupahang gusali. Itinayo nila ang kanilang munting tindahan ng limonada at isinabit ang karatulang may nakasulat na "Malamig na Limonada 25 Sentimos". Napakainit ng araw na ito at natitiyak nilang ang mga tao ay gustong bumili ng malamig na limonada.
Naghintay nang naghintay sina Jordan at Xavier ngunit wala ni isang taong lumalapit sa kanilang tindahan. Hindi nila maunawaan kung bakit walang taong may gusto ng malamig na limonada sa ganito kainit na hapon. Buong hapon silang naghintay hanggang takip-silim ngunit wala silang naibenta kahit isang baso ng limonada.
Nagsasara na sila ng tindahan nang lumapit ang isang lalaking nakasuot ng amerikana na kulay-abo at may pulang kurbata. Tinanong niya kung malamig pa rin ang limonada. "Opo, malamig pa po", sabi ni Jordan. Iniabot niya ang isang baso ng malamig na limonada sa lalaki at pagkatapos magbayad nito ay naubos niya ang limonada ng isang lagukan lang.
"Marahil ay marami kayong naibentang malamig na limonada sa ganito kainit na hapon?", sabi ng lalaki. Napasimangot si Jordan. "Kayo po ang kauna-unahang bumili ng isang baso ng limonada", tugon niya. Ipinaliwanag niya na buong hapon silang naghintay ngunit wala kahit isa na lumapit sa kanilang tindahan.
"Hindi ko maintindihan", sabi ng lalaki. "Lubos na mainit ang panahon ngayon at wala akong nakikitang ibang tindahan ng limonada sa lugar na ito. Sabihin niyo nga sa akin, inanunsyo niyo ba ang inyong tindahan ng limonada?".
Nagtinginan sina Jordan at Xavier. Hindi nila naunawaan ang ibig ipahiwatig ng lalaki. Nais lamang nilang magbenta ng limonada upang matulungan ang mga magulang sa mga bayarin. Ano kaya ang ibig sabihin ng lalaki na ianunsyo ang tindahan ng limonada?
"Don ang pangalan ko", sabi ng lalaki. "Isa rin akong negosyante. Kung gusto niyong magkaroon ng isang matagumpay na negosyo, kailangan niyong ipaalam sa mga tao ang tungkol sa inyong tindahan ng limonada. Kailangan niyong sabihin sa kanila kung nasaan kayo". Bumili ng isa pang baso ng limonada si Don, nginitian ang magkapatid at sumakay sa isang itim na limosina at tsaka umalis.
Iyon ang nakapagbigay kay Jordan ng isang magandang ideya. Alam na niya kung ano ang kailangan nilang gawin upang makabenta ng maraming limonada. Kailangan nilang sundin ang sinabi ni Don at ipaalam sa mga tao ang tungkol sa kanilang tindahan ng limonada. Hihingi sila ng tulong sa kanilang mga magulang at ilang mga kaibigan upang maikalat ang balita.
Kinabukasan, gumawa sina Jordan, Xavier, nanay, tatay at ilang mga kaibigan ng mga karatula na nagsasabing "Halikayo't bumili ng malamig na limonada, 25 sentimos lamang”. Ipinaskil nila ang mga karatula sa mga poste ng ilaw, mga buson, bintana ng mga kotse at nagtungo rin sila sa himpilan ng bumbero at istasyon ng pulis. Ngayon, handa na silang magbenta ng mas marami pang limonada.
Nang hapon ding yaon, paglabas ng mga tao sa kani-kanilang mga bahay at opisina ay nakita nila ang mga karatula sa kanilang mga buson at bintana ng mga kotse. Nakita rin ng mga taong naglalakad sa bangketa ang karatula sa mga poste ng ilaw. Napakainit ng panahon at uhaw na uhaw sila kaya't nagmamadali silang nagtungo sa tindahan nina Jordan at Xavier upang bumili ng malamig na baso ng limonada.
Mabentang mabenta ang limonada ng magkapatid nang hapong yaon at kinailangan pa ng kanilang ina na gumawa ng 10 pang galon ng limonada. Naibigan talaga ng mga tao ang espesyal na limonada ng magkapatid. Ang ilang sa kanila ay nagtanong pa kung sila ay magbebenta ulit ng limonada kinabukasan.
Kinagabihan, binilang nina Jordan at Xavier ang kanilang pera. Kumita sila ng $75 dolyar sa isang hapon. Sabi ni nanay gagawa siya ng mas marami pang limonada bukas nang sa gayon ay hindi sila mabilis na maubusan.
Sa sumunod na araw, mas marami pang limonada ang naibenta nina Jordan at Xavier kaysa noong nakaraang araw. Ang mga tao ay dumarayo pa mula sa iba't ibang panig ng lungsod upang bumili ng napapabalitang masarap na limonada. Sinabihan ng hepe ng bumbero ang magkapatid na isaalang-alang nila ang pagtatayo ng isa pang tindahan ng limonada malapit sa istasyon siyete upang matamasa rin ng mga bumbero ang kanilang masarap na limonada.
Pagdating ng huling araw ng buwan, nakapagpatayo ang magkapatid ng sampung tindahan ng limonada sa iba't ibang sulok ng lungsod at inupahan nila ang kanilang mga kaibigan upang patakbuhin ang mga ito. Ipinagmamalaki nina nanay at tatay ang mga anak dahil nagtatrabaho sila nang husto upang matulungan ang pamilya sa pagbabayad ng mga bayarin. Ang pinakamaganda rito ay nakahanap na ng trabaho si tatay at kumikita na ulit ang pamilya.
Sa katapusan ng tag-init, nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang sa munisipyo upang parangalan sina Jordan at Xavier sa kanilang tagumpay. Ang kanilang masarap na limonada ay usap-usapan sa buong lungsod. Binigyan pa ng alkalde ang magkapatid ng susi sa lungsod. Ang lahat ay pumalakpak at nakisaya sa magkapatid na bumuo ng kanilang sariling imperyo ng limonada.
Matapos ang pagdiriwang, binati ni Don ang magkapatid sa pagiging matalinong negosyante ng mga ito. Sinabi niya sa kanila na natutunan nila ang isang napakahalagang aral na maaari kang magtagumpay sa anumang bagay na gusto mo kung magsisikap ka nang husto at maniniwala sa iyong sariling kakayanan.
English to Tagalog: Sample English to Tagalog Computer Game Translation General field: Tech/Engineering Detailed field: Games / Video Games / Gaming / Casino
Source text - English Mini Metro is a minimalistic subway layout game. Your small city starts with only three unconnected stations. Your task is to draw routes between the stations to connect them with subway lines. Everything but the line layout is handled automatically; trains run along the lines as quickly as they can, and the commuters decide which trains to board and where to make transfers.
However the city is constantly growing, along with the transport needs of its population. How long can you keep the subway system running before it grinds to a halt?
Mini Metro is available now on Steam and other digital retailers for PC, Mac, and Ubuntu, and on the App Store and Google Play for phone and tablets.
Buy
There's a lot more in the full game: procedural audio by Disasterpeace, infinite-play zen mode, the unlockable extreme mode, leaderboards, multiple maps and themes based on real-world cities, and more cool stuff.
iPhone, iPad, and Android
You can get Mini Metro right now at the App Store and Google Play.
Windows, macOS, and Ubuntu
Mini Metro is available for desktop platforms through a variety of storefronts.
System Requirements
OS:
Windows XP, Vista, 7, 8 or later
OS X 10.7 Lion or later
Ubuntu 12.04 LTS or later
Processor:
2 GHz or faster processor
Memory:
1024 MB RAM
Graphics:
Shader Model 2.0
Hard Drive:
300 MB available space
Translation - Tagalog Ang Mini Metro ay isang simpleng laro na nakabatay sa sistema ng tren sa ilalim ng lupa. Ang iyong maliit na lungsod ay nagsisimula sa tatlong magkakahiwalay na istasyon. Tungkulin mong gumuhit ng mga ruta sa pagitan ng mga istasyon upang ikonekta ang mga ito sa mga lagusan. Ang lahat ng mga ruta maliban sa mga nakatalagang riles ay awtomatikong naisasaayos; ang mga tren ay tumatakbo nang mabilis sa mga riles na ito, at ang mga pasahero ay nagpapasiya kung alin sa mga tren na ito ang sasakyan nila at kung saan sila lilipat.
Gayunpaman, patuloy na lumalaki ang lungsod kasabay ng mga pangangailangan sa transportasyon ng mga mamamayan. Gaano mo kaya katagal na mapapanatiling maayos na tumatakbo ang sistema ng tren bago ito tuluyang bumigay at tumigil?
Ang Mini Metro ay maaari nang mabili sa Steam at iba pang mga digital na retailer ng kompyuter, Mac, Ubuntu, App Store at Google Play para sa inyong mga telepono at tablet.
Bumili
Ang larong ito ay may marami pang ibang nilalaman gaya ng Disasterpeace, walang katapusang paglalaro ng zen mode, ang nakakandadong extreme mode, mga leaderboard, mga mapa at tema batay sa mga makatotohanang lungsod at marami pang ibang magagandang bagay.
iPhone, iPad at Android
Maaari ka nang makabili ng Mini Metro sa App Store at Google Play.
Windows, macOS, at Ubuntu
Ang Mini Metro ay maaari na ding mabili at magamit sa iba't ibang uri ng kompyuter.
Mga Kinakailangan sa Sistema
OS:
Windows XP, Vista, 7, 8 o mas bago
OS X 10.7 Lion o mas bago
Ubuntu 12.04 LTS o mas bago
Processor:
2 GHz o mas mabilis na processor
Memorya:
1024 MB RAM
Grapiks:
Shader Model 2.0
Hard drive:
300 MB na magagamit na espasyo
More
Less
Translation education
Bachelor's degree - University of the Philippines
Experience
Years of experience: 14. Registered at ProZ.com: Nov 2017.
I am a native Tagalog translator who possesses native fluency in the English language. If you're looking for an intelligent linguistic expert with a professional demeanor, precise, punctual, reliable, and a tenacious researcher of specialized terminology and subject matter, then you are looking at the most suitable candidate for the job.
Please feel free to contact me for a free quote on your translation projects. My full contact details are as follows: