ProZ.com translation contests »
32nd Translation Contest: "Movie night" » English to Tagalog

Competition in this pair is now closed, and the winning entry has been announced.

Discussion and feedback about the competition in this language pair may now be provided by visiting the "Discussion & feedback" page for this pair. Entries may also be individually discussed by clicking the "Discuss" link next to any listed entry.

Source text in English

To say that I was compelled by Parasite from start to finish is an understatement; its filming style with tracking shots are enthralling. Having watched several Korean films during the London Korean Film Festival, I was familiar with the usual genres employed in such films but Parasite seemed to defy them all! Parasite is comedic, in a quirky way, it is also a thriller, straddles class divisions and also depicts a family tale amongst other genres and is therefore likely to appeal to all ages.

Parasite truly deserves to be watched in a cinema to appreciate its nuances and the stylish cinematography. As a summary, to avoid spoilers, Parasite tells the tale of the interaction between the Park family and the Kim’s, an unemployed family, whose contrasting worlds collide with long lasting consequences.

[...]Bong Joon-Ho manages to pique the audience’s interest with brightly lit shots coupled with the effective use of indoor space, and it is surprising to realise, after the film’s 2 hour 12 minute length, that most of the scenes occur within the Park family’s home. The mundane elements of domesticity are displayed with an intriguing perspective showcasing Bong Joon-Ho’s flair. It is a slow burner but you will revel in its beauty and ingenuity as Parasite convinces that it operates solely on one level but it is in fact multi-layered and depicts social realism with empathy and pathos.

The cast are beguiling to watch, every facial movement and action is accentuated, even the mere act of walking up or down stairs can convey hidden meaning, which the camera fragments. Levels of unease are also created by virtue of that effective use of space with unusual camera angles and dramatic weather conditions ratcheting up that sensation. There is a surreal nature to Parasite, which its score emphasises, and furthermore the film adopts elements of the absurd devised in such an ingenious way which is truly cinematic magic. Parasite’s apparent eeriness will certainly keep you riveted and would not feel alien to the Twilight Zone school of filmmaking.

The actors are very impressive and add breadth to their roles creating relatability whilst seeming effortlessly cool. When Ki-Woo and Ki-Jeong Kim were working within the Park family home as private tutors they certainly epitomised this level of nonchalant, understated authority creating an aura of mysticism with the unspoken, almost mythical, tutoring techniques employed. Quite simply, the actors Park So-Dam and Choi Woo-Sik, as Ki-Woo and Ki-Jeong, are compelling to watch in the different directions that Parasite follows and they carry these performances seamlessly thereby inviting the audience to be on their side.

[...]Parasite is a remarkable piece of extremely skilful filmmaking, it is simply a must see film, and so I am looking forward to re-watching the film on its UK general release date.

The winning entry has been announced in this pair.

There were 3 entries submitted in this pair during the submission phase. The winning entry was determined based on finals round voting by peers.

Competition in this pair is now closed.


Entries (3 total) Expand all entries

Nagsisinungaling ako kung sabihin kong napilitan lamang akong manood mula sa simula hanggang sa matapos ang Parasite. Nakabibighani ang mga istilo ng paggawa ng pelikulang ito na may mga tracking shot. Sa panonood ng ilang mga pelikula noong London Korean Film Festival, pamilyar ako sa karaniwang genre na ginamit sa mga palabas ngunit ang Parasite ay kakaiba sa kanilang lahat! Nakakatawa ang Parasite, pwede ding, parang nakakatakot, nandito nang lahat at saka kwento din ito tungkol sa pamilya na kakaiba sa ibang palabas na kauri nito na malamang na kasasabikan ng lahat ng manonood.

Dapat talaga itong mapanood sa sinehan para mas maintindihan ang mga detalye at ang pagkakagawa ng pelikula. Bilang buod, para maiwasan ang spoiler, ang Parasite ay kwento tungkol sa ugnayan ng pamilyang Park at pamilyang Kim, pamilyang walang trabaho na ang mga mundo ay magkaiba at humantong sa walang katapusang sigalot.

Si Bong Joon-Ho ang nagdala para mapukaw ang interes ng madla sa pamamagitan ng malinaw na kuha at epektibong paggamit ng panloob na puwang, at nakagugulat isipin, na pagkatapos ng 2 at labindalawang minutong tagal, kung saan karamihan ng kuha ay nangyari sa bahay ng pamilya Park. Ang karaniwang buhay-pampamilya ay ipinakikita ng may nakapupukaw na pananaw na pagpapamalas na husay ni Bong Joon-Ho. Unti-unting umiinit ngunit matutuwa ka sa ganda nito at sa kahusayan habang hinihimok ng Parasite ang paggawa dito sa isang antas ngunit sa katotohanan ay madami at inilalarawan ang panlipunang kamalayan na may habag at mga pighati.

Nakaaakit panoorin ang mga tauhan, bawat galaw ng mukha at kilos ay pinaigting, ultimo pag-akyat panaog ng hagdan ay may nakalihim na kahulugan kung saan ang mga eksena ay hinati-hati ng kamera. Ang antas ng kaba ay likas na nalikha sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng espasyo na may kakaibang anggulo ng kamera at masamang kondisyon ng panahon na nagpasidhi ng gayong pakiramdam. May mala-panaginip na kalikasan ang Parasite, kung saan lalo itong nagmarka, higit pa rito ang pelikula ay masusing ginamitan ng mga kakaibang elemento na magpamalas ng masalamangkang pelikula. Ang kapansin-pansing katatakutan sa Parasite ay tiyak na magpapanatili sa yo sa pagkakaupo at parang Twilight Zone sa pakiramdam ang pagkakagawa sa pelikulang ito.

Kahanga-hangang panoorin ang mga artista at dagdag pa dito ang lalim ng kanilang pagganap at kaugnayan sa kanilang papel na parang walang kahirap-hirap. Kapag nagtatrabaho sina Ki-Woo at Ki-Jeong Kim sa bahay ng pamilya Park bilang private tutors ay tunay na sumisimbolo sa uri ng mahinahon, mapagpakumbabang pangunguna na lumikha ng misteryosong pakiramdam na di maipaliwanang, halos di makatotohanang mga pamamaraan ng pagtuturo ang isinagawa. Sa madaling sabi, ang mga aktor na sina Park So-Dam at Choi Woo-Sik, bilang sina Ki-Woo at Ki-Jeong, ay kapani-paniwalang panoorin sa ibat-ibang direksiyon na sinisundan ng Parasite at ang pagganap nila ang walang kupas na nagdala kaya ito ang nag-anyaya sa mga manonood na lalo pang tumangkilik.

Ang Parasite ay isang kahanga-hangang likha ng napakahusay na paggawa ng pelikula, dapat itong mapanood, kaya't inaasahan kong muling mapanood ang pelikula sa pangkalahatang petsa ng pagpapalabas nito sa UK.
Entry #37306 — Discuss 0 — Variant: Not specified
Frinces Kate Dozina
Frinces Kate Dozina
Філіпіны
Winner
Voting points1st2nd3rd
184 x41 x20
Hindi kaaya-kayang sabihing napilitan ako sa pelikulang Parasite mula simula hanggang huli. Ang estilo ng pagkagawa sa pelikula kasama ang pagkasunod-sunod na kuha ay napakagaling. Ilang beses na akong nakapanood ng mga palabas na Korean sa London Korean Film Festival, pamilyar na ako sa kadalasang mga kategorya ng mga pelikula pero ang Parasite ay palaban! May kakaibang komedya at kilig, may pagkakahati-hati ng klase at may paglalarawan sa kwento ng isang pamilya sa buong kategorya at dahil doon humahatak ito ng mga manunuod sa lahat ng edad.

Nararapat lamang na mapanood ang Parasites sa mga sinehan para mabigyan ng pansin ang pagkakaiba ng ekpresyon, kahulugan at ang estilo ng sinematograpiya. Samakatuwid, upang maiwasan ang mga spoiler, ang Parasite ay nagkukwento ng interaksyon sa pagitan ng pamilya Park at pamilya Kim, na walang hanap-buhay, na nagkabangga ang mga mundo kasama ng walang hanggang kaguluhan.

[...] Si Bong Joon-Ho, ang pumukaw sa interes ng mga manonood na may kakaunting kuha ng mag-nobyo na epektibong nagamit sa panloob na espasyo, at nakakasurpresa, sa haba ng dalawang oras at labin-dalawang minuto, karamihan sa mga eksena ay nangyari lamang sa bahay ng pamilya Park. Nakakaintriga ang mga ipinapakitang matatamlay na elemento ng buhay pamilya, dito ipinakita ni Bong Joon-Ho ang kanyang kahusayan. Nakakainis pero nakakatuwa ang ganda at talino sa paggawa, nakombinse at napatakbo ng Parasite na iisang lebel lamang pero sa katunayan patong-patong ito at naglalarawan sa sosyal na reyalidad na may trahedya at pakikiramay.

Kahanga-hanga ang mga gumanap, may diin ang bawat ekspresyon ng kanilang mga mukha at aksyon, kahit sa pag-akyat o baba lamang ng hagdanan ay may ibig-sabihin na tinipak sa kamera. Ang lebel ng pagkabalisa ay napakahusay at ang epektibong paggamit ng espasyo na may pambihirang anggulo ng kamera at dramatikong kondisyon ng panahon na natutugma sa sensasyon. May hindi kapani-paniwalang diwa ang Parasite, na binigyan ng diin ang buod nito at nakuha ang kakaibang talino na sya'ng tunay na hiwaga sa sinematiko. Di ka talaga makagalaw sa takutan ng Parasite, at hindi ito naiiba sa pag-aaral sa Twilight Zone sa paggawa ng pelikula.

Ang mga aktor na gumanap ay napakagaling na dumagdag ng buhay sa kani-kanilang mga papel na tila walang kahirap-hirap. Nung nakatrabaho ni Ki-Woo si Ki-Jeong Kim sa loob ng bahay ng pamilya Park bilang mga pribadong guro ay napaka-kalmado ng pagkagawa ng awra, mala-misteryosong may kahiwagaan. Napakalakas makahatak nina Park So-Dam at Choi Woo-Sik, sa magkaibang direksyon na tunay talagang nagdadala ng napakagaling na pagganap.

[...] Ang pelikulang Parasite ay isang obra ng mga magagaling sa paggawa ng pelikula. Pelikulang dapat panoorin, kaya't umaasa akong mapanood muli ito sa petsa ng palabas sa UK.
Entry #37315 — Discuss 0 — Variant: Not specified
Charisma Sinco
Charisma Sinco
Егіпет
Voting points1st2nd3rd
122 x41 x22 x1
Ang sabihin na ako ay pinilit ng Parasite mula simula hanggang katapusan ay isang maliit na pahayag; ang istilo ng paggawa ng pelikula nito na may mga tracking shot ay nakakabighani. Sa panonood ng ilang pelikulang Koreano noong London Korean Film Festival, pamilyar ako sa mga karaniwang genre na ginagamit sa mga naturang pelikula ngunit tila sinasalungat ng Parasite ang lahat ng ito! Ang Parasite ay nakakaaliw, sa kakaibang paraan, isa rin itong thriller, sumasaklaw sa mga dibisyon ng klase at naglalarawan din ng kuwento ng pamilya sa iba pang mga genre at samakatuwid ay malamang na maakit sa lahat ng edad.

Ang Parasite ay talagang nararapat na mapanood sa isang sinehan upang pahalagahan ang mga nuances nito at ang naka-istilong cinematography. Bilang isang buod, para maiwasan ang mga spoiler, ikinuwento ng Parasite ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pamilya Park at ng Kim's, isang walang trabahong pamilya, na ang magkaibang mundo ay sumasalubong sa pangmatagalang kahihinatnan.

Nagagawa ni Bong Joon-Ho na pukawin ang interes ng manonood sa pamamagitan ng maliwanag na ilaw na mga kuha kasama ng epektibong paggamit ng panloob na espasyo, at nakakagulat na matanto, pagkatapos ng 2 oras at 12 minutong haba ng pelikula, na karamihan sa mga eksena ay nangyayari. sa loob ng tahanan ng pamilya Park. Ang mga makamundong elemento ng domesticity ay ipinapakita na may nakakaintriga na pananaw na nagpapakita ng likas na talino ni Bong Joon-Ho. Ito ay isang mabagal na burner ngunit ikaw ay magagalak sa kanyang kagandahan at talino sa paglikha bilang Parasite convinces na ito ay nagpapatakbo lamang sa isang antas ngunit ito ay sa katunayan multi-layered at naglalarawan ng panlipunang realismo na may empatiya at kalunos-lunos.

Ang mga cast ay nakakaakit na panoorin, ang bawat galaw at kilos ng mukha ay binibigyang diin, kahit na ang simpleng paglakad pataas o pababa ng hagdan ay maaaring maghatid ng nakatagong kahulugan, na kung saan ang mga fragment ng camera. Nalilikha din ang mga antas ng pagkabalisa dahil sa mabisang paggamit ng espasyo na may hindi pangkaraniwang mga anggulo ng camera at mga kapansin-pansing lagay ng panahon na nagpapalakas ng pakiramdam na iyon. May surreal na kalikasan ang Parasite, na binibigyang-diin ng marka nito, at higit pa rito ang pelikula ay gumagamit ng mga elemento ng kalokohan na ginawa sa isang mapanlikhang paraan na tunay na cinematic magic. Tiyak na mapapanatili kang masindak at hindi mo mararamdaman na alien ka sa Twilight Zone na paaralan ng paggawa ng pelikula.

Ang mga aktor ay napaka-kahanga-hanga at nagdaragdag ng lawak sa kanilang mga tungkulin na lumilikha ng relatability habang tila walang kahirap-hirap na cool. Noong nagtatrabaho sina Ki-Woo at Ki-Jeong Kim sa loob ng tahanan ng pamilya Park bilang mga pribadong tutor, tiyak na ipinakita nila ang antas na ito ng walang pakialam, hindi gaanong awtoridad na lumilikha ng aura ng mistisismo gamit ang hindi binibigkas, halos gawa-gawa, mga diskarte sa pagtuturo. Sa madaling salita, ang mga aktor na sina Park So-Dam at Choi Woo-Sik, bilang Ki-Woo at Ki-Jeong, ay nakakahimok na panoorin sa iba't ibang direksyon na sinusundan ng Parasite at dinadala nila ang mga pagtatanghal na ito nang walang putol sa gayon ay nag-aanyaya sa mga manonood na sumama sa kanila. .

Ang Parasite ay isang kahanga-hangang piraso ng napakahusay na paggawa ng pelikula, isa lang itong pelikulang dapat panoorin, kaya't inaasahan kong muling mapanood ang pelikula sa pangkalahatang petsa ng pagpapalabas nito sa UK.
Entry #36802 — Discuss 0 — Variant: Not specified
Angelica Mc Crann
Angelica Mc Crann
Філіпіны
Voting points1st2nd3rd
803 x22 x1